Lunes, Marso 16, 2015

Who i am

Sino at ano ba ako.
Puro nalang ako blog.
Kwento ng kong ano ano.
Pero kahit ano ano yang mga nakasulat dyan yan ay hango sa totoong buhay at hindi copypaste.
Simple lang akong babae.girl boy bakla tomboy.hehe😊
Pero babae po talaga ako.sadyang astig lang pomorma.
Malambing at napaka childish na babae.sinusumpong minsan ng pagiging maldita.pagkabugnutin..pwedi na din madalas.pero kahit ganyan ang ugali ko.
Madali akong maawa.mapagbigay.at matulungin kong merun.super kulit ko po na babae.
May mga simple din akong pangarap.
Pangarap na parang ang hirap abutin.

Di ako nangangarap na maging magaling na manggagamot.magaling na tagapagturo.o magaling magpalipad ng eroplano sa himpapawid.

Alam nyo kong ano ang pangarap ko.
NANGANGARAP AKO NA SANA YUNG PAGMAMAHAL NYO MARAMDAMAN KO.
pakiramdam ko parang ang hirap abutin ng gusto ko.

Ang hirap maging salat sa pagmamahal ng magulang.pagmamahal ng mga kapatid pag mamahal ng anak.
Pakiramdam ko ako na yata ang pinaka pulubi sa pagmamahal.
Madaling sabihin ang salitang mahal pero
Mahirap ipadama..o ipakita.
Kaya yung pagmamahal na wala ako.sa iba ko naipakita at nadama.kong sino pa yung mga di kadugo sila pa yung yumayakap sa akin ng mahigpit.sa kanila ko na din naipapakita ang paglalambing ko bilang ako.
Pero feeling incomplete.

Kaya minsan di ko maiwasan na mainggit o magselos at nagiging dahilan na pagiging bugnutin ko.nang pagiging tupakin ko.

Kaya napakaswerti ng mga taong lumaki kasama ang mga kapatid.at magulang.

Isa din sa ugali ko ang pagiging independent woman.marunong dumiskarte sa buhay na kahit hirap na sulong pa din.ba kahit umiiyak na fight pa din.never give up nga ika nga nila.

Emotional akong babae kaya iniiwasan kong manuod ng drama movies o makinig ng mga kwento ng mga kaibigan na nakakaiyak dahil mababa lang ang luha ko.

May ugali din ako na parang hindi napapagod .pakiramdam ko kulang sa akin ang 24hours.

Pagdating sa karelasyon pababy ako eh!!! Kaya kong gusto mo ako o may balak kang mahalin  ako ihanda mo na ang pasensya mo dahil isip bata ako.
Pero kahit ganyan ako.marunong naman ako sumukli ng kabutihan sa lahat ng pinakita mo.

Tama na ....
Ok na yan...
Nextime again
😃😃😃

Jealousy

ATE is different from JEALOUSY </3
ACCORDING TO WIKIPEDIA
HATE
  is a deep and emotional extreme dislike, directed against a certain object.
is often associated with feelings of anger and disposition towards hostility,against  the objects of hatred.
an awareness that something is bad combined with an urge to withdraw from it.
a desire for the annihilation of an object that is incurable by time.
an ego state that wishes to destroy the source of its unhappiness.
JEALOUSY
  is a secondary emotion and typically refers to the negative thoughts and feelings of insecurity, fear, and anxiety over an anticipated loss of something that the person values, particularly in reference to a human connection.
is often reinforced as a series of particularly strong emotions and constructed as a universal human experience.
a complex of thoughts, feelings, and actions which follow threats to self-esteem and/or threats to the existence or quality of the relationship, when those threats are generated by the perception of a real or potential attraction between one’s partner.

    A friend of mine told me that I got jealous of someone that’s why I end up single, but I told her I wasn’t because at that time I was starting to HATE the things that are happening to me. The person took me for granted, made me feel I was nothing but a useless shit, told me I will end up being nothing. That moment I realized that my love is turning into HATE and I wanted to withdraw myself from something I once thought might change if I just give everything I can. Luckily, I saw a door that will help me escape from my nightmare. I hate the fact that I was just a fall back, that whenever that person have no choice I will suddenly become someone again to his world, and when the person he wants to be there for him was there near him he will just like put me on “invisible mode” like what you do in yahoo messenger. I was never jealous because I want an escape for something that I don’t want anymore. When you say you’re jealous, it means there’s still LOVE but in my case, I think I gave my 101% already so I’m in the point where I got tired of someone I thought will really change if only I focused on all the things he wants me to be and he wants me to do. Do you know the feeling where you’re in the line, feeling excited for your turn but in the end someone told you that you have to come back again because the given time is over? What would you feel? you’ll hate it right? Because you thought you’ll make it and be happy after the long wait. The love that you felt suddenly turned into hate and disappointment. Then you will realized that you’re no longer feeling anything about something you once fight for, that jealousy isn’t there anymore because you don’t feel insecure, afraid and frustrated just to prove something to that person, And you just simply want to end the things that makes you unhappy. Hate is a feeling where you are not satisfied with everything you are in, that you feel like you’ve been doing everything but it’s not working anymore no matter how eager you are fix things there will be no longer hope to make it right because you don’t want it anymore and you don’t already feel anything.
What makes HATE different from JEALOUSY is that,
in HATE you no longer feel the love that you used to feel because you realized that no matter what happened there will be no reason for you to be loved by that person and all you just want to do is to end things the right way without caring about whatever the other person feels, While in JEALOUSY you still feel the love that you want to give to that person and you will do anything just to fight for it.
In Hate you don’t feel love instead you are disappointed, angry and want to end the things that is hurting you already because of too much love you felt before that no longer EXIST.
In Jealousy you are defensive, insecure and eager to make things right that no one can be compared to you because you can do everything so, no one can get the most important person you have.
So the next time you fall inlove, CHOOSE the person who will never make you want to hate the world and make you feel jealous but value you like you’re the most important person in the world that can never be cheated on, never make you feel useless, never make you blind with the things you are seeing, never take you for granted, never test the love you have and most importantly never attempt to even let go of your hand no matter how complicated your situation is.

Sabado, Marso 14, 2015

Love love love

Ang tunay na pag-ibig ay hindi lamang basta pagmamahal o ningas ng kalooban. Wala ito sa kapusukan ng kalamnan o init ng katawan. Ang tunay na pag-ibig, lagi nitong ginagawa ang pinakamabuti para sa kapakanan ng iba lalo na sa taong mahal niya.

Ginagawa ang tama para sa taong mahal niya, kahit ito’y mali na sa paningin ng iba. Ginagawa ang lahat nang walang hinihintay na kapalit. Kahit kapalit pa ay buhay niya ito’y handa nyang ibuwis para sa taong mahal niya.

Para sa taong tunay na nagmamahal o umiibig nagiging bulag sila; bulag dahil may mga bagay na hindi nila nakikita, pero ito’y napapansin ng iba.

Ang taong tunay kung magmahal nagiging bobo rin sila. Kasi ang “Mali” ay natatakpan ng “Tama”, ang “Hindi” ay napapalitan ng “oo”.

Sinasabi ng iba na gamitin ang utak dahil mas mataas ito kaysa iyong puso, pero sa taong tinamaan ng pana ni kupido, lalo na yung pana niyang may kasamang speed booster pa.

Naku! Nalintikan na, nakalimutan nang may brain pala!

Kaya naitodo si heart nang bonggang-bonga at nakalimutan nang may preno pala. Kaya ang nangyari, nang sumemplang, malalim na sugat ang tinamo niya.

Sa ganitong sitwasyon naitatanong natin sa ating sarili… Bakit pa tayo magmamahal kung masasaktan lang din naman?

Simpleng tanong pero napakahirap sagutin kapag paiiralin natin ‘yung sakit na humihimlay lang sa ating puso o damdamin. Hindi natin mauunawaan agad o maiintindihan ang ibig sabihin nito.

Hindi natin makikita ang magandang rason kung bakit minsan ay nangyayari ito sa buhay ng tao.

Sa mundong ating ginagalawan na bilyon-bilyon ang taong naninirahan, hind mo mahahagilap agad ‘yung taong para sa iyo talaga.

Bago mo siya mahanap o matagpuan, kailanganmong dumaan sa mga makikipot na daan, sa matitinik na lansangan, bago mo siya matagpuan.

“Dadaan muna tayo sa sakit bago natin matagpuan ang kaligayahan.”

Masuwerte ‘yung iba, kasi singbilis pa ng kidlat ay natagpuan agad nila ‘yung para sa kanila kasi magkalapit lang sila ng ginagalawan o hindi kaya’y magkapitbahay lang.

Eh paano kung ‘yung sa iyo eh nasa ibayong dagat pa pala?

S’yempre hindi mo agad ‘yun makikita at malalaman na ‘yung para sa iyo talaga ay nasa malayo pala.

O ‘di naman kaya ang turing ng iba ay baka hindi pa ipinanganak ‘yung para sa kanila. Huwag naman po sana, baka maging lolo o lola ka na!! nyahahaha

So bakit ba tayo nasasaktan?

Nasasaktan tayo kasi tao lang tayo, may puso na marunong magmahal at marunong masaktan. Hindi po masama ang magmahal nang sobra kapag ito’y naiukol natin sa tamang tao o nasapol muna ‘yung taong para sa iyo na talaga.

Kapag nagmahal ka, kailangan na kontrolado mo ang iyung sarili, ‘yun bang gumagana rin ang utak, hindi ‘yung puso lang.

“Hindi ka puwedeng pumunta sa giyera na baril lang dala, dapat may bitbit ding bala”. Kapag wala nang bala, atras ka muna.

Parang sa love lang, malalaman mo naman ‘yun kung kailan ka susugod o aatras eh!

Pero kung ramdam mo na ‘yung signal na need mo nang bumitaw, bumitaw ka na habang maaga pa. Huwag monghintayin na siya ‘yung unang bumitaw kasi niloloko ka na niya.

Kung nararamdaman mo na ‘yung mga changes sa kanya na dati ay hindi n’ya gawain at kung hindi mo naman siya kayang baguhin, i-give up mo na ang relasyon n’yo habang maaga. Para sa ganoon nasaktan ka man ay hindi naman sobra-sobra.

Pero kung ikaw naman ‘yung taong sobra-sobrang nasaktan, sagad hanggang buto ang sakit at galit sa taong minahal mo. Alam ko at alam ng iba na hindi madali ang makalimot; lalo na ang mga salitang “move on” ay napakahirap gawin para sa taong niloko at nasaktan nang sobra.

Pero paano ba makapag-move on?

Sa ganitong pagkakataon, IKAW lang ang puwedeng makagawa nito, palibutan ka man ng napakaraming barkada para aluin ka. Kahit mag-ala Dora the explorer ka pa. Kung ang isip at puso mo ay tumatanggi na kalimutan siya, mas mahihirapan kang makapag-move on.

Kung ikaw ‘yung tipo ng taong nasaktan at pusong sugatan ngunit ayaw pang bumitaw o kumawala sa sakit na dinulot niya, hindi ka agad makapagmu-move on. Hindi ka agad makabibitaw kung pilit ka pa ring kumakapit. Niloko ka na niya, niloloko mo pa ang sarili mo.

Huwag mo nang tandaan ang mga bagay na dapat nang kalimutan, ‘yung mga bagay na may wakas na. Kasi kung pilit mo itong isinaksak sa isipan mo, mas lalo kang manghihina at mawawalan ka ng pag-asa at diyan ka na susuko, aayaw ka na kasi hindi mo raw kaya.

Hindi ka makakawala sa sakit na dulot niya kung binabalik-balikan mo naman ang kanyang alaala at ang inyong nakaraan, hindi ka makabibitaw kung pati sa anino niya’y kumakapit ka pa rin.

Minsan, hindi masamang bumitaw sa iyong pagkakakapit kung alam mo naman na ang kababagsakan mo ay ang makawala ka sa sakit na dinulot niya sa puso mo.

“Bumitaw ka at pakawalan mo ang alaala niya para ang iyong sarili ay makawala na rin sa sakit na dinulot niya diyan sa puso mo”.

Hayaan mo na ang panahon na ang maghihilom sa sugat na nilikha niya, dahil kusa din itong magsasara na pawang peklat na lang ang matitira.

Ang peklat ay magiging simbolo para maging matatag ka, at magpapaalala sa iyo na minsan ka nang nadapa pero muling bumangon. Ito ang magga-guide sa iyo para hindi ka na muling madapa, hindi na ulit maloloko at ang puso’y maiwasan nang ito’y masaktang muli.

Bahagin a ‘yan ng buhay ng tao, ang magmahal at ang masaktan. Kung hindi tayo magmamahal, hindi natin malalaman ang kahalagahan nito sa tao.

Kung hindi tayo masasaktan hindi tayo matututo, at hindi tayo magiging matatag. Mainam na iyong nasaktan tayo habang maaga pa, para pagdating nung time o sa malaking dagok ng ating buhay eh alam na natin kung paano makontrol ang ating sarili kapag tayo’y nasaktan.

Nang sa ganoon ay maiwasan nating manghina at mawalan ng pag-asa at upang hindi na umabot sa punto na pati sariling buhay ay nais nang wakasan para lang makaiwas sa sakit na idinulot nito.

Ang panahon ay katuwang natin sa paghilom ng mga malalalim na sugat, ngunit kailangan din nating tulungan ang ating sarili.

Kaya nga may mga salitang “move on”… kasi posible ‘yan!

Biyernes, Marso 6, 2015

Hiwalayan blues

       Sa totoo lang, kaya ako natagalan sa paggawang blog na ito, ay dahil hindi ko talaga alam kung anong teorya ang bibigyan ko ng analisasyon o ng kritiko at naniniwala akong wala akong karapatang magbigyan ng anumang komento hinggil sa mapipili kong teorya. Hindi dahil sa kami ay obligadong gumawa nito kaya ako nagsusulat ngayon, kundi  may ideyang biglang pumasok sa isip ko na nais ko ding ibahagi sainyo.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nakilala kita sa simpleng Hi at Hello langNa nauwi sa hindi inaaasahang pagkaka-ibigan.Araw-araw nagkakasama hanggang sa mag-uwian,Hindi natin namalayan na lumalim na ang samahan.

Kasama mo sa lahat ng kalokohan,Tawanan, iyakan sampalan at kurutan.Wala na yatang ibang mapapagsabihan,Ng mga sikretong sayo lang ipinagkatiwalang ilaan.
Di nagtagal lumalim ang koneksyon,
Mula sa pagkakaibigan, nabuoang mas malalim na relasyon
Ipinakilala sa magulang, tiyahin at tiyoBuong tiwalang binabanggit ang pangalan mo.

Sa tuwina ay nariyan ka, magkasama nating tinatapos ang umaga.Sa bawat problema ay karamay ka, kinakaharap natin ito ng magkasama.Wala na yatang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman,Alam kong alam mong isa ka sa mga taong aking pinaka-iingatan.

Nagdaan ang mga taon, buwan, araw at minuto,Tila tayo’y nagkakasawaan, araw-araw nalang ganito.Tamis ng pagmamahalan, unti-unting naglaho,Di natin napansing nasisira na pati ang mga pangako.

Hanggang sa tayo’y nagdesisyon, na tapusin ang binubuong pundasyonMahirap man para sa mga puso, kayang labanan ng mga isip natin ito.Wala mang sinisisi sa mga kaganapang nakapandurugo,Naniniwalang babalik ka, kung sa isa’t-isa ay nakalaan ang puso.

Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo,Hindi lang naman ikaw, nasaktan din ang aking puso.Salamat sa relasyon at tiwalang nabuo,Mga ala-ala at karanasang hindi kailanman maglalaho.

Huwag natin sayangin mga buwan at taong binilang natin.Kahit na alam kong hindi ito madaling kamtin.Oras, araw, matagal na panahon ang aabutin,Ibalik ang samahan, ang natitirang pagkakaibigan natin.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

              Ginawa ko ang tulang ito upang bigyang kahulugan ang Social Penetration Theory. Isang teoryang pang-komunikasyon na nararanasan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ang lahat ng relasyon ay dumaan sa ganitong mga antas. Na mula sa pagkakaibigan ay lumalalim ang samahan, hanggang sa mararamdaman ng isa’t-isa na naranasan na nila ang pinakamasayang emosyon na maari nilang maramdaman. Dito ay unti-unting mabubuo ang pagkakasawaan hanggang sa darating ang punto ng hiwalayan. Isinasaad din sa teoryang ito na ang anumang relasyon ay nakakaranas ng “Depenetration” kung saan narating na ng nasa isang relasyon ang pinakadulong parte ng kanilang pagsasama. Dulo dahil ang pakiramdam nila ay naranasan na nila ang lahat. Kinakailangan ng maghiwalay, upang hindi patuloy na saktan ang damdamin ng bawat isa.Walang malinaw na dahilan, at wala na ding ibang paraan kundi tapusin ang samahan at relasyong iningatan.

              Hindi ako lubos na sumasang-ayon sa teoryang aking napili. Kahit na ako mismo ay biktima din ng ligaya at sakit nadulot ng pag-ibig. Totoo ngang bawat relasyon ay dumaan sa iba’t-ibang antas at lumalalim habang tumatagal. Totoo din na ang relasyon ay dumarating sa puntong nagkakasawaan na at pumpasok na ang ideyang hiwalayan. Ngunit para sa akin, hindi totoong hiwalayan ang solusyon sa problemang pinagdaraanan ng nasa isang relasyon .Base sa aking naranasan, napagtanto ko na ang paghihiwalayan ay isang desisyon ng parehong partido. Desisyong kung saan dapat ay makailang ulit mo itong pag-iisipan, hindi lang dahil sa naramdaman mong pagod kana o nasasaktan ka na. Hindi ko din sinasabi na magpaka-martir ang sinuman pagdating dito, ngunit kung talagang ganap ng nadebelop ang konsepto mo tungkol sa pag-ibig, ay hindi ka basta-bastang susuko at bibitiw nalamang sa relasyon.

Anumang problema ay nadaraan sa maayos na pag-uusap. Kung nagkaroon ng matinding alitan ay pahupain muna ang mga nararamdaman.Huwag magdesisyon ng pang-matagalan sa emosyong panandalian. Maaring palipasin ang ilang mga araw upang bigyang laya ang sarili at magkaroon ng oras upang pagnilayan ang mga kaganapan. Kung ikaw ang may kasalanan, huwag mag-atubiling manghingi ng kapatawaran. Huwag ng magmatigas, hindi ka dadalhin kung saanman niyan. Kung siya ang may kasalanan, subukang intindihin ang kanyang pinaghuhugutan. Maaring hindi mo man ito maunawaan, ngunit kung totoong mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo ito ano’t-anuman ang dahilan.

                   Kung sobrang matindi ang pinag-awayan, maari ding humingi ng espasyo sa bawat isa. Maaring magtagal ng ilang linggo, basta siguraduhing sa pagbalik mo ay buo na ang iyong desisyon. Isa ding alternatibong paraan ang magsimula ulit kayong dalawa. Kung talagang seryoso sa paghingi ng kapatawaran, makakayana ng magsimula ulit sa ligawan. Simulang buuhin ang nasirang pundasyon, kung talagang pinahahalagahan niyo ang inyong relasyon.

Biyernes, Enero 16, 2015

Walang Excuses sa Pag-ibig Minsan, sa buhay……..may mga bagay talaga na hindi natin makuha-kuha. Yung tipong sila ang pinaka-kailangan mo pero kahit anong hirap mo, hindi talaga ito itinadhana para sayo.. Gaya sa pag-ibig..Yung taong gustong-gusto mo, yung taong nagbibigay saya sayo ay yung taong ayaw talaga sayo.. Minsan nga, pinapaasa kalang nila. Yung tipong sinasabihan ka na gusto ka niya pero hindi naman pala. Nahulog ka sa kanya dahil nagpakita siya ng motibo. Hindi mo naman sinadya na mahulog sa kanya e, kung bakit kasi sinabi-sabihan ka pa na gusto ka nila pero makalipas ang ilang mga araw…buwan ay bigla na lang lalamig ang pakikitungo niya sayo… Siguro nga, may dahilan… Pero kung talagang gusto ka niya.. diba gagawa at gagawa siya ng paraan para di ka makafeel ng iba about sakanya? Hindi naman siguro kasali sa rason kung TORPE siya. kasi pag torpe..magmo-move pa din yan.. magpapatulong sa iba..o di kaya’y dadaanin na lang yan sa text (haler! Anong year na noh/?) At sa mga tao namang gustong makuha ang mga taong ayaw sainyo. Oh sige! Move…gawin niyo lahat para makuha niyoo.. hayaan niyo lang na masaktan kayo…hanggang sa maging manhid na kayo….at least di ba? dika magsisisi… takte na tao na yan na ayaw sa inyo!!! malay niyo magmamakaawa siya sainyo someday… pero kung di talaga kayo para sa isa’t-isa…ikaw na ang tatanggi sa oras na yan… at alam ko na sa oras na yan ay masaya ka na.. dahil binitawan mo na siya at nasa taong nakaka-deserve sayo at deserve mo ka na…. "Pag nagmamahal ka, go lang! Walang excuses.. Gawin mo ang kung anong sa alam mo ay tama."

Miyerkules, Disyembre 3, 2014

NEVER GIVE UP

Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan yung mga bagay na paulit ulit nangyayari. Sa una naman talaga masaya yan, akala mo yung saya nun forever na. Pero mali, hindi pala. Pag nagtagal na kayo, pag nakilala niyo na yung isa’t isa nawawala yung spark, darating ang point na pag nginitian o kinindatan ka niya may times na di ka na kikiligin or wala ng impact sa’yo.

Darating sa point na minsan mararamdaman mo na nagsasawa ka na sa paulit ulit na routine ng relasyon niyo. Pero ang pinaka-masakit dun is yung minsan akala mo ang solusyon nalang para matapos yung problema is yung isuko mo yung relasyon niyo. Yun nga ba ang tama?

Isipin mo maigi, lahat ng masasaya niyong alaala, yung away niyo tapos yung sweetness niyo after ng away, yung pag hahabulin ka niya pag mag wwalk out ka, yung yayakapin ka niya pag umiiyak ka, yung mga times na may problema ka at wala kang matakbuhan, siya yung nandyan sa taboi mo at hawak yung kamay mo tapos sinasabing “kaya mo yan, kaya natin yan.”

Sa tingin mo, worth it ba na isuko lahat?

Minsan akala lang natin, pagsuko nalang yung natitirang option para wag tuluyang masira yung relasyon, pero mali. Kahit gaano kahirap, kagulo at kakumplikado ang relasyon niyo sa ngayon, hindi hiwalay ang solusyon dyan, kung pagod ka na, pwede ka naman magpahinga e, basta wag kang susuko.

Kung iniisip mo yang pagsuko sa mga oras na to, alalahanin mo lahat ng magagandang alala. Yan ang silbi ng good and happy memories sakanila tayo kakapit pag pakiramdam natin bibitaw na tayo.

Minahal natin sila choice natin yun walang namilit. Sana kung alam mong worth saving pa yung relasyon wag mo basta isuko. No matter how hard things may get in your relationship, never think of giving up.

Martes, Nobyembre 25, 2014

GAANO NGA BA KAHIRAP ANG BUHAY?

MINSAN ANG BUHAY AKALA NATIN NAPAKADALI LANG ITO.
AKALA NATIN MAGAAN LANG YUNG TIPONG HAPPY GO LUCKY LANG TAYO.
YUNG SITTING PRETTY LANG ANG DATINGAN.
NOONG BATA AKO AKALA KO GANUN LANG TALAGA KADALI ANG LAHAT.
ANG MAGKAROON NG KARELASYON
ANG MAGMAHAL..ANG MAGKAPAMILYA..ANG MAG KAANAK ..ANG MAGKA ASAWA ANG BUMUO NG PAMILYA.ANG MAGHANAP NG TRABAHO PARA MAGKAPERA.
LAHAT YATA YAN NARANASAN KO AT NAPAGDAANAN KO.OMG NAPAKWENTO NANAMAN AKO SA AKING BLOG.
PAGBIGYAN NA HIRAP MG WALANG KAUSAP.
SA BAWAT BYAHE NG AKING BUHAY.. AYAW KONG MAG STOP.GO LANG NG GO.
NAGING AGRISEBO AKO SA MGA GUSTO KO SA BUHAY.
KUMBAGA BAHALA NA SI BATMAN.
SA PAGMAMAHAL AT PAGPILI NG LALAKE AKALA MO MAUUBUSAN AKO NG ORAS GO LANG NG GO.BASTA ANG ALAM KO MAHAL AKO NG LALAKE.
PERO SA PAGMAMADALI KO NA YON.. NADAPA AKO.
AYON NAGKAANAK.. NAGHIWALAY.MARAMING BAGAY SNG DI KAMI MAGKATULAD DAHIL PROBINSYANA AKO AT SIYA MANILINYO.HANGGANG SA PUMASOK SA UTAK KO NA MAKISABAY SA BUHAY NG SYUDAD FROM PROBINSYANA.SA AWA NG DIOS MADALI AKONG NAKAPAG ADJUST SA BUHAY NG SYUDAD.PARANG PARAISO LANG. KUMPLETO REKADO.ANG DATING TAHIMIK KONG MUNDO NA TANGING HUNI LANG NG IBON ANG AKING NARIRINIG.AT TANGING ALITAPTAP LANG ANG ILAW SA MALAYO.BIGLANG NAGING MAINGAY ANG MUNDO KO NG MASALTA AKO NG MANILA.AT ANG ALITAPTAP NA DATI NAKIKITA KO SA BUKID AY NAGING PARANG DISCO LIGHT NA SA DAMI NG ILAW AT SOBRANG LIWANAG.
NAGING MASAYA AKO... KABALIKAT NG PAGPASAN NG PROBLEMA KO SA AKING BALIKAT.
HANGGANG NANGARAP AKONG MAG ABROAD AT TAKASAN ANG LAHAT NG PROBLEMA.SAKIT AT MGA NARANASAN KO NA SIYANG NAGDUDULOT NG AKING PAGKAHUMALING SA ALAK.PERO HULI NG NALAMAN KONG MAY TAMA NA PALA ANG LIVER KO DAHIL SA ALCOHOL NA ARAW ARAW KONG INIINUM.NA AKALA MOY TUBIG NALANG.
BAKIT NGA BA AKO NALULUNG SA ALAK.BAKIT NGA BA AKGO MAGSAKRIPISYO NGAYON. WALA AKONG BALAK KUMUHA NG MALUBHANG SAKIT MAHIRAL LANG AKO.WALA AKONG PERA.WALA AKONG PANG GAMOT.WALA DIN AKONG AASAHANG PERA SA MAGULANG KO DAHIL MULA PAA PAPUBTANG ULO ANG PRIDE KO PAGDATING SA PERA DAHIL BATA PALANG AKO AT NAG AARAL KAHIT BAON PARANG AYAW PA AKONG BIGYAN.
NAKAKALUMO.KAYA WALA AKONG CHOICE PARA LISANIN ANG PINAS AT MAGHANAP NG TRABAHONG MAS MALAKI ANG KINIKITA PARA MAS MATUSTUSAN ANG PANGANGAILANGAN NG AKING SARILI.
SA PAGLALAKBAY KO.LAGING BALIKTANAW AKO SA NAKARAAN.
WHY IM.HERE?
BAKIT AKO PA?
SANA DI NALANG AKO?
MANHID NABA AKO SA LAHAT?
MARAMI MANG KATANUNGAN..
ALAM KONG AKO LANG DIN ANG MAKAKASAGOT.
PERO SA AKING PAGLALAKBAY SANA MATISOD KO ANG MGA SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO.

ANTOK NA AKO😁😁😁😁😁
MAYBE CONTINUES KO SIYA
PAG MAY TIME ULIT
#LESSON_LEARN

MAG ISIP BAGO GAWIN
PARA WALANG PAGSISI
NA MARAMDAMAN SA BANDANG HULI