Matuto kang lumugar.
Matuto ka din namang dumistansya sa mga tao depende sa sitwasyon. In other words, huwag kang parang eksena sa elevator, siksikan na nga, sisingit ka pa. Yung ganung eksena ba, katulad nalang ng mga gantong sitwasyon:
Break na kayo - Eto yung karaniwang eksena na lagi nateng nakikita sa TV, sine, at kahit sa youtube at sa mga music videos. Eto yung hiwalay na kayo, things won’t work out the way it used to be before. Hindi na kayo pwede laging magkasama, hindi na kayo maaaring maging sweet at cheesy unlike nung kayo pa. Kelangang idistansya ang sarili para maka-move on din pero hindi ibig sabihin na hindi na kayo friends, kumabaga, back to normal kayo as friends nung first day kayo nagkakilala.
May party si friend - Malamang sa alamang, pag ininbita ka ng kaibigan mo sa party at pinayagan ka, eh di sasama ka. At sa party, syempre may mga tao kang makikita na hindi mo pa kilala pero kilala na nung kaibigan mo. Syempre, pag kausap sila ng friend mo na inimbita ka, syempre hindi naman pwede yung sisinigt ka sa usapan, bastos tingnan yun at nakaka-turn off.
Si friend may problema - Eto yung panahon kung saan si friend mo ay may problem na dapat i-solve, parang math lang ang peg. Tapos syempre ikaw tong si worried friend, fly to the rescue para tulungan si friend, pero syempre dapat ilugar mo din yung sarili mo sa panghihimasok sa problema ng kaibigan mo lalo na kung family problem yan o tungkol sa financial problem ng pamilya.
May recitation - Eto yung oras kung saan makikita mo kung sino ang matalino at kung sino ang hindi at kung sino ang naasa sa kaklase. Yung tipong taas ka ng taas ng kamay, pero sana pagbigyan mo din yung iba di ba para hindi unfair.
Pagsagot sa magulang - Yung tipo na sa sobrang inis mo sa pane-nermon ng magulang mo eh pikang pika ka na, kaya wala kang magawa kundi ang sagutin ang magulang mo. Pero tandaan, anak ka lang, kaya huwag mong gagawing habit eto kundi bugbog sarado ka sa magulang mo.
Pakikitungo sa magulang - Ayun na nga eh, anak ka lang, kaya huwag mong ituturin na parang kaibigan mo lang ang mga magulang mo, okay lang bibirubiruin mo sila, pero matuto kang lumugar at sa pagsasabi ng mga salita na maaaring ika-galit nila. Kahit na sabihin mong nagbibiro ka lang, magulang mo yan eh, iisipin nila na wala kang respeto sa kanila.
Magkasama si friend at best friend nya - Syempre, magkasama ang iyong friend at ang kanyang best friend, pinag uusapan nila yung mga bagay na sadyang di ka makaka-relate, kaya naman eh tahimik ka muna, hindi yung sasabat ka sa usapan nila, mali yun.
Forever alone ang setting mo - Eto yung awkward times, na yun bang kasama mo kaibigan mo na kasama ang syota nya, tapos ikaw ay forever alone lang sa sulok, syempre matuto ka din lumugar ng hindi magselos sayo ang iyong friend, sige ka baka masira ang friendship nyo.
May pinalit na sayo si ex - Last but not the least, yung feeling na naka move on ka na, move on na sya, at syempre may bago na syang jowa, tapos nagkita kayo, aba syempre kung naka-move on ka na hindi ka na pwede magseselos at hindi ka na pwede didikit dikit sa iyong ex. Kasi nga may bago na syang ipinalit sayo at kung di mo pa tanggap, tanggapin mo kase di ka na mahal ni ex, tao ka at hindi aso para maghabol pa kase wala ka din mapapala, hanap ka nalang ng iba pag may time.
At marami pang ibang sitwasyon ng buhay na dapat lagi mong ilulugar ang sarili mo para di ka natititigan at napupuna. Alam mo naman sa sarili mo yun eh, kung dapat kang umarya o umupo na lang sa sulok. Isip ka din pag may time kung ano pa ang papel mo sa isang sitwasyon at matutong ilugar ang sarili mo sa tamang kalalagyan neto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento