Lunes, Mayo 25, 2015

dahilan ng hiwalayan

Tinamaan ka ba? Feeling mo iniwan ka niya kasi may ipapalit na siya sa'yo? Hindi ka manhid para hindi maramdaman na unti-unti na siyang nilalamig sa'yo.

Bakit nga ba may naghihiwalay? Ano nga ba ang dahilan ng mga hiwalayan? Ito ang pag-uusapan nating ngayon.

Naghiwalay kayo kasi masyado ka nang nasasaktan – emotionally and physically. Sino ba ang matutuwa kung nakikita mong niloloko ka lang? Sino ba ang matutuwa kung sinasampal ka na? Aba! Di na uso ang martyr ngayon. Lumaban ka o makipag hiwalay ka na sa kanya lalo pa't di pa kayo kasal.


Naghiwalay kayo kasi di ka na masaya sa kanya. Bakit? Baka nawala na ang SPARK ninyong dalawa? Nagkulang siya sa paglalambing sa’yo. Hindi niya naibibigay ang lahat ng gusto mo. At kulang ang oras na inilalaan niya para sa'yo.

Basta! Maraming reason kung bakit di ka na masaya sa kanya. Baka marami kang hinahanap na hindi mo matagpuan sa kanya.

O, ung feeling na nagbago na siya.

Next, kapag nawala ang tiwala minsan nagkakaroon ka ng dahilan para tapusin na ang isang relasyon. Sabi ko nga, kapag nawala ang tiwala nagiging marupok ang isang relasyon.

Paano ka pa magtitiwala kung paulit ulit lang ang mga kasalanan niya sa’yo?

Nakipaghiwalay ka kasi nawala na ang tiwala mo sa kanya. Napagod ka na rin sa mga kasinungalingan niya. Napapagod ka na sa pagbibigay ng chance?

Aba, ilang chance ba ang kailangang ibigay?

One more chance?

Next, nakipaghiwalay ka kasi may ibang mahal ka na.

Wapak!

Kasalanan mo ba kung nagmahal ka ng iba?

Masama sa paningin ng iba pero minsan may dahilan ka. Nagkulang ang taong nagmamahal sa’yo o sadyang naghanap ka lang ng iba.

Tatapusin mo ang isang relasyon para pumasok sa bagong relasyon. Kahit pa may masaktan ka pa. Minsan kasi mas mabuting tapusin na habang maaga pa. Mahirap ipilit ang puso kung talagang di ka na masaya sa kanya.

Kaysa naman dalawa silang mamahalin mo o dalawa silang karelasyon mo. Eh di makipag hiwalay ka sa kanya. Mahirap pero kailangan mong mamili kung sino mas matimbang sa puso mo.

Kaya nga nauso ang hiwalayan dahil sa ganitong sitwasyon.

Ano ang next?

Nakipaghiwalay ka sa kanya kasi gusto mo maging single. Napapagod ka na sa awayan ninyong dalawa. Nagsasawa ka na sa mga madramang selosan o natuklasan mo na minsan mas masaya ka kung single ka.


Naghiwalay kayo kasi di mo pa siya lubusang kilala. Paano kasi sa internet lang kayo nagkikita. Marami kang questions na di niya nasasagot.

Nagsawa ka na sa mga paliwanag niya na nababalutan nang kasinungalingan.

May next pa ba?

Alam n’yo maraming dahilan ang hiwalayan. Aminin mo na hindi sa lahat ng pagkakataon eh ikaw ang biktima. Minsan kasi ikaw ang lumalayo, ikaw ang nakakapanakit ng puso ng iba.

Ikaw din ang nagkulang. Ikaw din ang nagsawa sa relasyon ninyo. Ikaw din ang natukso sa iba.

Sapul!

Meron pa ba?

Naghiwalay kayo kasi binalikan niya ang EX niya. Panakip butas ka lang kasi - kawawa ka naman!

Ang mahalaga, pagkatapos ng hiwalayan eh matuto kang bumangon. Lahat naman ay may dahilan. Lahat tayo nasasaktan.

Tumayo ka! Hindi yung bumagsak ka na gagapang ka pa.

Meron ding hiwalayang – letting go! Pinakawalan mo siya dahil nasa iba ang kaligayahan niya. Masakit ang salitang Goodbye – makikipaghiwalay ka kahit alam mong mahal mo pa siya.

Kasi iyon ang tama – sa ano mang relasyon na meron kayo. Lalo na kung ikaw ang nakiki-apid. Makikipaghiwalay ka kasi iyon ang tama. Nauntog ka na kasi – ayaw mo nang makasira pa ng pamilya.

Salamat!

Lunes, Mayo 11, 2015

god my bestfriend

Mahirap talaga masaktan. Pero sa maraming bagay.
Nasasaktan ka hindi lang sa love. Pwede ka ring masaktan sa family mo. Sa friends. Sa career na kinukuha mo. Sa pag-aaral mo at marami pang mga bagay na nakadikit sa buhay mo.

Sa LOVE. Mahirap masaktan, paasahin at higit sa lahat iwanan. Iwanan ng taong mahal natin,taong akala natin na sila na ang nakalaan para sa atin.

Sa FAMILY. Minsan siguro naranasan mo nang mapalo at mapagalitan ng mga parents mo. Siguro nagkatampuhan na rin kayo. Pero ang sakit na yun eh hindi pa ang pinakamasakit na mararanasan mo sa family mo. Ang pinakamasakit sa lahat ay yung iwan tayo ng mga mahal natin sa buhay

Sa FRIENDS. Hindi lahat ng friendship eh lasting. Hindi lahat maaaring ibaon niyo hanggang pagtanda. Base rin kasi yan sa inyong magkaibigan. Madalas kasi ang tampuhan, inggitan, bangayan ang dahilan bakit nag e-end yung friendship na meron kayo.

Sa CAREER o PAG-AARAL. Aba pwede ka ring masaktan aa pag-aaral. Makakita ka lang ng singko sa SIS mo eh siguro mangiyak-ngiyak ka na. Masakit mag-aral pero at the end babagsak ka pa din.

Eto yan. Lahat kasi yan may part ni God at part mo. Kayo ang magkateam ni God.

Sa LOVE. Kaya yung iba iniiwan ng taong minahal nila ng sobra eh siguro si God na rin ang may plano. Inalis niya kasi sa buhay mo yung taong akala mo laan na para sayo. Oo nasaktan ka, pero kapag nasaktan ka matututo ka. Mas magiging matatag ka at sa susunod alam mo na ang gagawin para di ka na masaktan pa. Para yang pagkadapa mo nung bata ka. Nasaktan ka nga. Nagkasugat,naghilom at nagkapeklat pero atleast natuto ka. Sa susunod maiiwasan mo na ang madapa. Para yang love, nasaktan ka man, makamove on ka man at nandun pa rin yung part na nasaktan ka dahil sa past mo pero natuto ka rin ng leksyon para mas maging matatag ka at mas handa kana sa susunod na darating sa buhay mo.

Sa FAMILY and FRIENDS. May part din si God dyan.  Una sa family eh walang masamang nais si God bakit minsan nangyayari sa buhay mo na magkaroon ng tampuhan sa inyo. Family yan, mahalaga yan para sayo at para kay God. Kaya kung may tampuhan man kayo eh challenge lang yan ni God para mas maging strong pa yung bond ng family mo at ikaw. Sa Friends ay parehas lang, sila ang pamilya natin sa labas ng bahay. Ang mga ate’t kuya o kaya mga nakakabatang kapatid natin kahit hindi natin sila kadugo. Kung mag ka problema kayo eh ayos lang yan. Tinetest lang ni God ang tatag ng friendship niyo. Kung magkabati kayo edi mabuti atleast you both learn from it. Pero kung hindi let it go. Plano na rin siguro ni God na ilayo ka sa mga taong alam niyang makakasama na sayo. Hindi naman kasi lahat ng kaibigan mo eh nakakabuti para sayo.

Lastly.

Sa CAREER at PAG-AARAL. Minsan ang pag-aaral nagiging dahilan na rin bakit broken hearted ang isang tao. Biruin mo magkasingko ka ba naman eh. Haha. Pero yan may part si God at obviously may big part ka dun. Bumagsak ka siguro dahil hindi ka nagseseryoso sa pag-aaral mo. Pero kung nag seseryoso ka naman at tingin mo nag-aaral ka naman ng mabuti eh siguro dyan na papasok ang part ni God. Siguro will ni God na hindi yan ang tahakin mong landas. Gaya sa pagpili ng CAREER. Hindi kasi mahalagang gusto mo lang. Kailangan may alam ka rin sa ginagawa at gagawin mo. Ang pagpili ng course ay isang example niyan. Kung hindi para sayo wag mo ipilit. Oo lumaban ka. (Hello mga nagsusummer :3 pero alam mo rin dapat kung kailan ka susuko. Malay mo sa pagsarado ng isang pinto para sayo eh tiyak may bubuksan si God para sayo. Kung para san ka, kung saan ka nababagay.

Sa bawat nangyayari sa buhay ng tao may part si God at Ikaw. Kayo ang teammate sa buhay na tinatahak mo. Ikaw ang lalakad at si God ang gagabay sayo.  ♥
Life advice Heart Love