Mahirap talaga masaktan. Pero sa maraming bagay.
Nasasaktan ka hindi lang sa love. Pwede ka ring masaktan sa family mo. Sa friends. Sa career na kinukuha mo. Sa pag-aaral mo at marami pang mga bagay na nakadikit sa buhay mo.
Sa LOVE. Mahirap masaktan, paasahin at higit sa lahat iwanan. Iwanan ng taong mahal natin,taong akala natin na sila na ang nakalaan para sa atin.
Sa FAMILY. Minsan siguro naranasan mo nang mapalo at mapagalitan ng mga parents mo. Siguro nagkatampuhan na rin kayo. Pero ang sakit na yun eh hindi pa ang pinakamasakit na mararanasan mo sa family mo. Ang pinakamasakit sa lahat ay yung iwan tayo ng mga mahal natin sa buhay
Sa FRIENDS. Hindi lahat ng friendship eh lasting. Hindi lahat maaaring ibaon niyo hanggang pagtanda. Base rin kasi yan sa inyong magkaibigan. Madalas kasi ang tampuhan, inggitan, bangayan ang dahilan bakit nag e-end yung friendship na meron kayo.
Sa CAREER o PAG-AARAL. Aba pwede ka ring masaktan aa pag-aaral. Makakita ka lang ng singko sa SIS mo eh siguro mangiyak-ngiyak ka na. Masakit mag-aral pero at the end babagsak ka pa din.
Eto yan. Lahat kasi yan may part ni God at part mo. Kayo ang magkateam ni God.
Sa LOVE. Kaya yung iba iniiwan ng taong minahal nila ng sobra eh siguro si God na rin ang may plano. Inalis niya kasi sa buhay mo yung taong akala mo laan na para sayo. Oo nasaktan ka, pero kapag nasaktan ka matututo ka. Mas magiging matatag ka at sa susunod alam mo na ang gagawin para di ka na masaktan pa. Para yang pagkadapa mo nung bata ka. Nasaktan ka nga. Nagkasugat,naghilom at nagkapeklat pero atleast natuto ka. Sa susunod maiiwasan mo na ang madapa. Para yang love, nasaktan ka man, makamove on ka man at nandun pa rin yung part na nasaktan ka dahil sa past mo pero natuto ka rin ng leksyon para mas maging matatag ka at mas handa kana sa susunod na darating sa buhay mo.
Sa FAMILY and FRIENDS. May part din si God dyan. Una sa family eh walang masamang nais si God bakit minsan nangyayari sa buhay mo na magkaroon ng tampuhan sa inyo. Family yan, mahalaga yan para sayo at para kay God. Kaya kung may tampuhan man kayo eh challenge lang yan ni God para mas maging strong pa yung bond ng family mo at ikaw. Sa Friends ay parehas lang, sila ang pamilya natin sa labas ng bahay. Ang mga ate’t kuya o kaya mga nakakabatang kapatid natin kahit hindi natin sila kadugo. Kung mag ka problema kayo eh ayos lang yan. Tinetest lang ni God ang tatag ng friendship niyo. Kung magkabati kayo edi mabuti atleast you both learn from it. Pero kung hindi let it go. Plano na rin siguro ni God na ilayo ka sa mga taong alam niyang makakasama na sayo. Hindi naman kasi lahat ng kaibigan mo eh nakakabuti para sayo.
Lastly.
Sa CAREER at PAG-AARAL. Minsan ang pag-aaral nagiging dahilan na rin bakit broken hearted ang isang tao. Biruin mo magkasingko ka ba naman eh. Haha. Pero yan may part si God at obviously may big part ka dun. Bumagsak ka siguro dahil hindi ka nagseseryoso sa pag-aaral mo. Pero kung nag seseryoso ka naman at tingin mo nag-aaral ka naman ng mabuti eh siguro dyan na papasok ang part ni God. Siguro will ni God na hindi yan ang tahakin mong landas. Gaya sa pagpili ng CAREER. Hindi kasi mahalagang gusto mo lang. Kailangan may alam ka rin sa ginagawa at gagawin mo. Ang pagpili ng course ay isang example niyan. Kung hindi para sayo wag mo ipilit. Oo lumaban ka. (Hello mga nagsusummer :3 pero alam mo rin dapat kung kailan ka susuko. Malay mo sa pagsarado ng isang pinto para sayo eh tiyak may bubuksan si God para sayo. Kung para san ka, kung saan ka nababagay.
Sa bawat nangyayari sa buhay ng tao may part si God at Ikaw. Kayo ang teammate sa buhay na tinatahak mo. Ikaw ang lalakad at si God ang gagabay sayo. ♥
Life advice Heart Love
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento