Lunes, Hulyo 13, 2015

ano ba ang pinag kaiba????


PAG-IBIG o PAGMAMAHAL bago mo yan banggitin sa taong itinituring mong mahalaga, alam mo ba ang pagakakaiba ng PAGIBIG sa PAGMAMAHAL ?

Noong 1st year High School ako, may teacher akong madrama at walang ginawa kung di magkwento sa buhay niya (pero kahit ganun yon, saludo ako dun), anyway dumating kami dun sa chapter ng Lovelife niya. at tinanong niya kami ng kung ano daw ang pinag kaiba ng PAG-IBIG sa PAGMAMAHAL . Lahat kami ay ng hula at napaisip talaga, ang hirap kaya ! diba ? tapos non ayun parang naliwanagan ako.

Ramdam kong mas mainit pa sa tirik ng araw kapag ganyan ang usapan sa upisina, sa kanto, sa trabaho, sa school, sa banyo sa cellphone, sa FB o Twitter at kahit saan pa man sa mundo basta patungkol sa puso este Lovelife pala. Lahat tayo may kanya kanyang lovelife, kasi iba yung pakiramdam ng inlove, pero alam mo ba na khit saang dictionary mo hanapin  ang salitang INLOVE ay wala itong kahulugan (di ako sure narinig ko lang din kasi yon. hahaha). Anyway, balik tayo sa usapang pag-ibig, AY pagmamahal pala, hindi pagibig, pagmamahal, pag-ibig, pagmamahal. HAYYYY . alam ko naguluhan ka din. Pero yung totoo natanong mo na ba sa sarili mo kung ano pinagkaiba ng PAG-IBIG sa PAGMAMAHAL ?

Kung naguguluhan ka nga, ibig sabihihin hindi mo pwedeng basta basta  nalang sabihin kung kani kanino yang mga salitang yan. Simulan na nga natin, alam ko gusto mo na din malaman.

P A G - I B I G 

Simulan natin sa Pag-ibig. Ano nga ba ang Pag-ibig ? hindi ito yung Pag-ibig fund yung pabahay, o ang cute na Pag-ibig ni Yeng Constantino, sabi nman ni Simsimi manuod nlang daw ako ng JUST ONE SUMMER movie soon in theaters para daw malaman ko !, at sabi nganwers.com mahabahaba pero iisa lang din ang pagpapa-kahulugan niya sa pag-ibig at sa pagmamahal. No comment si namanWikipedia (baka bitter ? LOL ). Kahit saan mo i-search yan ikaw lang ang makakasagot niyan. Pero para mas madali mo itong mabigyan ng kahulugan kung kukunin mo ang root word nito. ang root word ng Pag-ibig ay IBIG.

ano ba inig sabihin ng ibig :


Kung mapapansin mo may salitang "mahal" pero ang mas marami yung salitang "gusto", mas malapit ang salitang pagibig sa nais, gusto, o hangad. So ang ibig sabihin ng PAG-IBIG ay PAG KA GUSTO LAMANG,  gusto mo siya kasi may kailangan ka sa kanya, halimbawa gusto ng cellphone kasi

 personal na pangangailangan mo, kasi may DAHILAN ka kaya gusto mo yung bagay na yon.  YUN YON. gusto ngunit hindi mahal .

 TANDAAN : iba ang I LIKE YOU kesa sa I LOVE YOU .

at tandaan mo na ang PAGMAMAHAL ay walang condition o dahilan kasi kung tunay mo nga siyang minamahal KAHIT ANO PA MAN ANG ITSURA niya SIYA AT SIYA parin .

Ididiscuss ko pa ba yung PAGMAMAHAL ??

 P A G M A M A H A L

Root word MAHAL. At ito ang sabi ni google, parang pati siya hindi alam na magkaiba ang pag-ibig at pagmamahal


ito yung felling na 

ibig sabihin mas madami ang nagmamamahal dahil may kailangan ?

Ang MADEDMA

Nakaranas ka na bang madedma ng babae? I'm sure oo ang isasagot mo. Kung hindi eh aba, buwenas ka o di kaya bading ka lang talaga.

So naiisip mo ba minsan kung bakit ka nila dinededma? 

Oh cge heto ang mga posibleng dahilan kung bakit;

Una - may period sya. kadalasan yan talaga ang una nating sinasabi pag inisnab ka. "meron ka?" so kapag alam mong meron nga, wag mo ng kulitin pa at baka masampal ka.

Ikalawa - ayaw ka nya muna makausap kasi may napansin sya sayo. kung ano yun? dapat mong malamam. itanong mo rin sa mga kaibigan mo baka alam din nila.

Ikatlo - gusto nya mapag isa kasi may personal issues sya. maaring sa pamilya, sa kaibigan, kamag anak oh kahit ano pa. lahat naman tayo pinagdadaanan ang ganyan. so better let her be alone this time muna. ika nga, hindi yan ang tamang timing.

Ika-apat - may iba na syang nararamdaman towards you. so meaning, nag iinarte lang yan at gustong habul habulin mo sya. kasi, gusto ka na nya. so pag ganyan na nararamdaman mo sa kanya. you know what to do.

Ika-lima - nawala pagkabirhen nya sa iba. nahihiya sayo. kasi ikaw sana na lang ang pinili nya. imbes na dun sa kumuha sa kanya.

Ika-anim - nagseselos. baka naman kasi kung kani kanino ka nakikipag landian at nakikita ka nyan. or malamang may nagsumbong na sa iyo. isa isa lang kasi boy.

Ika-pito - ayaw nya talaga say since magkakilala oh magkita sayo. kahit friends ayaw. baka kasi mayabng at mahangin ka. hahaha.

Ika-walo - magproper hygene ka kasi. malay mo palapit ka pa lang amoy na amoy na talaga. hahaha. amy amoy din pag may time.

Ikaw-siyam - may iba na syang gusto. meaning basted ka na. wag ng makulet pa. hanap na ng iba.

Ika-sampu - nandyan ang tatay nya. haha alam namang lapitan ka nyan eh nakatingin ang tatay nya. tingin tingin din sa paligid pag may time. iapapahamak mo pa sya eh.

#budz

Lunes, Mayo 25, 2015

dahilan ng hiwalayan

Tinamaan ka ba? Feeling mo iniwan ka niya kasi may ipapalit na siya sa'yo? Hindi ka manhid para hindi maramdaman na unti-unti na siyang nilalamig sa'yo.

Bakit nga ba may naghihiwalay? Ano nga ba ang dahilan ng mga hiwalayan? Ito ang pag-uusapan nating ngayon.

Naghiwalay kayo kasi masyado ka nang nasasaktan – emotionally and physically. Sino ba ang matutuwa kung nakikita mong niloloko ka lang? Sino ba ang matutuwa kung sinasampal ka na? Aba! Di na uso ang martyr ngayon. Lumaban ka o makipag hiwalay ka na sa kanya lalo pa't di pa kayo kasal.


Naghiwalay kayo kasi di ka na masaya sa kanya. Bakit? Baka nawala na ang SPARK ninyong dalawa? Nagkulang siya sa paglalambing sa’yo. Hindi niya naibibigay ang lahat ng gusto mo. At kulang ang oras na inilalaan niya para sa'yo.

Basta! Maraming reason kung bakit di ka na masaya sa kanya. Baka marami kang hinahanap na hindi mo matagpuan sa kanya.

O, ung feeling na nagbago na siya.

Next, kapag nawala ang tiwala minsan nagkakaroon ka ng dahilan para tapusin na ang isang relasyon. Sabi ko nga, kapag nawala ang tiwala nagiging marupok ang isang relasyon.

Paano ka pa magtitiwala kung paulit ulit lang ang mga kasalanan niya sa’yo?

Nakipaghiwalay ka kasi nawala na ang tiwala mo sa kanya. Napagod ka na rin sa mga kasinungalingan niya. Napapagod ka na sa pagbibigay ng chance?

Aba, ilang chance ba ang kailangang ibigay?

One more chance?

Next, nakipaghiwalay ka kasi may ibang mahal ka na.

Wapak!

Kasalanan mo ba kung nagmahal ka ng iba?

Masama sa paningin ng iba pero minsan may dahilan ka. Nagkulang ang taong nagmamahal sa’yo o sadyang naghanap ka lang ng iba.

Tatapusin mo ang isang relasyon para pumasok sa bagong relasyon. Kahit pa may masaktan ka pa. Minsan kasi mas mabuting tapusin na habang maaga pa. Mahirap ipilit ang puso kung talagang di ka na masaya sa kanya.

Kaysa naman dalawa silang mamahalin mo o dalawa silang karelasyon mo. Eh di makipag hiwalay ka sa kanya. Mahirap pero kailangan mong mamili kung sino mas matimbang sa puso mo.

Kaya nga nauso ang hiwalayan dahil sa ganitong sitwasyon.

Ano ang next?

Nakipaghiwalay ka sa kanya kasi gusto mo maging single. Napapagod ka na sa awayan ninyong dalawa. Nagsasawa ka na sa mga madramang selosan o natuklasan mo na minsan mas masaya ka kung single ka.


Naghiwalay kayo kasi di mo pa siya lubusang kilala. Paano kasi sa internet lang kayo nagkikita. Marami kang questions na di niya nasasagot.

Nagsawa ka na sa mga paliwanag niya na nababalutan nang kasinungalingan.

May next pa ba?

Alam n’yo maraming dahilan ang hiwalayan. Aminin mo na hindi sa lahat ng pagkakataon eh ikaw ang biktima. Minsan kasi ikaw ang lumalayo, ikaw ang nakakapanakit ng puso ng iba.

Ikaw din ang nagkulang. Ikaw din ang nagsawa sa relasyon ninyo. Ikaw din ang natukso sa iba.

Sapul!

Meron pa ba?

Naghiwalay kayo kasi binalikan niya ang EX niya. Panakip butas ka lang kasi - kawawa ka naman!

Ang mahalaga, pagkatapos ng hiwalayan eh matuto kang bumangon. Lahat naman ay may dahilan. Lahat tayo nasasaktan.

Tumayo ka! Hindi yung bumagsak ka na gagapang ka pa.

Meron ding hiwalayang – letting go! Pinakawalan mo siya dahil nasa iba ang kaligayahan niya. Masakit ang salitang Goodbye – makikipaghiwalay ka kahit alam mong mahal mo pa siya.

Kasi iyon ang tama – sa ano mang relasyon na meron kayo. Lalo na kung ikaw ang nakiki-apid. Makikipaghiwalay ka kasi iyon ang tama. Nauntog ka na kasi – ayaw mo nang makasira pa ng pamilya.

Salamat!

Lunes, Mayo 11, 2015

god my bestfriend

Mahirap talaga masaktan. Pero sa maraming bagay.
Nasasaktan ka hindi lang sa love. Pwede ka ring masaktan sa family mo. Sa friends. Sa career na kinukuha mo. Sa pag-aaral mo at marami pang mga bagay na nakadikit sa buhay mo.

Sa LOVE. Mahirap masaktan, paasahin at higit sa lahat iwanan. Iwanan ng taong mahal natin,taong akala natin na sila na ang nakalaan para sa atin.

Sa FAMILY. Minsan siguro naranasan mo nang mapalo at mapagalitan ng mga parents mo. Siguro nagkatampuhan na rin kayo. Pero ang sakit na yun eh hindi pa ang pinakamasakit na mararanasan mo sa family mo. Ang pinakamasakit sa lahat ay yung iwan tayo ng mga mahal natin sa buhay

Sa FRIENDS. Hindi lahat ng friendship eh lasting. Hindi lahat maaaring ibaon niyo hanggang pagtanda. Base rin kasi yan sa inyong magkaibigan. Madalas kasi ang tampuhan, inggitan, bangayan ang dahilan bakit nag e-end yung friendship na meron kayo.

Sa CAREER o PAG-AARAL. Aba pwede ka ring masaktan aa pag-aaral. Makakita ka lang ng singko sa SIS mo eh siguro mangiyak-ngiyak ka na. Masakit mag-aral pero at the end babagsak ka pa din.

Eto yan. Lahat kasi yan may part ni God at part mo. Kayo ang magkateam ni God.

Sa LOVE. Kaya yung iba iniiwan ng taong minahal nila ng sobra eh siguro si God na rin ang may plano. Inalis niya kasi sa buhay mo yung taong akala mo laan na para sayo. Oo nasaktan ka, pero kapag nasaktan ka matututo ka. Mas magiging matatag ka at sa susunod alam mo na ang gagawin para di ka na masaktan pa. Para yang pagkadapa mo nung bata ka. Nasaktan ka nga. Nagkasugat,naghilom at nagkapeklat pero atleast natuto ka. Sa susunod maiiwasan mo na ang madapa. Para yang love, nasaktan ka man, makamove on ka man at nandun pa rin yung part na nasaktan ka dahil sa past mo pero natuto ka rin ng leksyon para mas maging matatag ka at mas handa kana sa susunod na darating sa buhay mo.

Sa FAMILY and FRIENDS. May part din si God dyan.  Una sa family eh walang masamang nais si God bakit minsan nangyayari sa buhay mo na magkaroon ng tampuhan sa inyo. Family yan, mahalaga yan para sayo at para kay God. Kaya kung may tampuhan man kayo eh challenge lang yan ni God para mas maging strong pa yung bond ng family mo at ikaw. Sa Friends ay parehas lang, sila ang pamilya natin sa labas ng bahay. Ang mga ate’t kuya o kaya mga nakakabatang kapatid natin kahit hindi natin sila kadugo. Kung mag ka problema kayo eh ayos lang yan. Tinetest lang ni God ang tatag ng friendship niyo. Kung magkabati kayo edi mabuti atleast you both learn from it. Pero kung hindi let it go. Plano na rin siguro ni God na ilayo ka sa mga taong alam niyang makakasama na sayo. Hindi naman kasi lahat ng kaibigan mo eh nakakabuti para sayo.

Lastly.

Sa CAREER at PAG-AARAL. Minsan ang pag-aaral nagiging dahilan na rin bakit broken hearted ang isang tao. Biruin mo magkasingko ka ba naman eh. Haha. Pero yan may part si God at obviously may big part ka dun. Bumagsak ka siguro dahil hindi ka nagseseryoso sa pag-aaral mo. Pero kung nag seseryoso ka naman at tingin mo nag-aaral ka naman ng mabuti eh siguro dyan na papasok ang part ni God. Siguro will ni God na hindi yan ang tahakin mong landas. Gaya sa pagpili ng CAREER. Hindi kasi mahalagang gusto mo lang. Kailangan may alam ka rin sa ginagawa at gagawin mo. Ang pagpili ng course ay isang example niyan. Kung hindi para sayo wag mo ipilit. Oo lumaban ka. (Hello mga nagsusummer :3 pero alam mo rin dapat kung kailan ka susuko. Malay mo sa pagsarado ng isang pinto para sayo eh tiyak may bubuksan si God para sayo. Kung para san ka, kung saan ka nababagay.

Sa bawat nangyayari sa buhay ng tao may part si God at Ikaw. Kayo ang teammate sa buhay na tinatahak mo. Ikaw ang lalakad at si God ang gagabay sayo.  ♥
Life advice Heart Love

Miyerkules, Abril 29, 2015

Ayaw ko ng ganito

Ok lang kahit mapuyat ako. I need to release everything I have in my chest right now. I wanna shout! Alam nyo ba ung feeling na un? Anhirap eh. I should be still. Pero hindi ko magawa. I promise you Lord n hinding hindi na ako babalik sa dati kong gawi. Pero Lord hindi ko makayanan. The more na tumatagal ako sa chapter na ito, the more na nahihirapan na ako. Its been months na rin since I entered this situation. Lord God, alam kong mali. Alam kong hindi tama. Pero bakit ganun. Bakit pakiramdam ko dito ko sumasaya. Dito ko natatanggap. Dito ko nararamdaman na normal ako. Pero bakit patuloy ko pa rin ginagawa kahit mali na. Hirap na ako Lord, Ingat na ingat ako sa sitwasyon na ito kasi ayoko maulit ung dati. Ayoko na ng emo moments tulad nun college ako. Ayoko na madrepessed. Ayoko na tangkain pang mag suicide ako. Hirap na ako. Ayoko na ng rejection. Pero Lord, thank you parin kasi mas kaya ko tong problema na ito. Mas naitatama ko sya. Mas strong ako. Siguro nga Lord, challenge mo lang ito. Test mo kung kakayanin ko ba talaga to. Pero Lord, nahihirapan akong panindigan. Nahihirapan akong kayanin to. Lord God, tulungan nyo naman ako. I dont want to become desperate again. I dont want to see myself begging over and over again. Pagod na akong magbeg. Ayoko na maghabol. Ayoko na Lord. Pagod na akong maiwan eh. Pagod na pagod na.
Lord God, help me to strengthen my faith. You know Lord the reason why I am staying in this chapter because of this. Yung rason kung bakit ako masaya sa chapter na ito eh un din ung rason na nagpapalungkot at nagpapaluha sa akin. Lord, balato mo na to sa akin oh. Hindi na ako hihingi pa para sa sarili ko. Eto na lang Lord, sapat na. Sya lang Lord, OK na OK na. Lord God, ayoko mawala ito. Lord, mahal na mahal ko sya. At nahihirapan akong makita na nasasaktana na naman ako sa rason na tulad ng dati. Lord God, akala ko tapos na ako dito. Hindi pa pala. Lord God, please. Eto na lang po ang hihilingin ko. Maging masaya lang kami. Masyado na akong nagbigay noon. Baka naman pwede kasiyahan ko naman naun Lord. Lord God, please. Gusto ko maging masaya. Gusto ko ng mapayapang buhay kasama sya. HIndi ko na kayang magisa pa. Mahal na mahal ko sya. Kaya hindi ko na kakayanin pa na mawala sya tulad ng pagkawala ng mga dati ko. Lord God, please.
Lord God, paramdaman nyo naman po sa akin na wala na akong dpat ikabahala. Na tanging ang faith ko ang magsasalba sa akin na maging masaya ako. Lord God. Parang awa nyo na. HIndi ko na kaya pa. Ayoko na maramdaman to Lord. Please po. Love you Lord! :))

Martes, Abril 28, 2015

True love can wait

Akala ko madali nalang sa akin ang humawak ng isang relation kasi di nman ako bago sa ganung sitwasyon.akala ko di na ako tatangahin nito at di na ulit gawing bobo.
Yung salitang "MAHAL KITA"
gaano mga ba yan ka powerfull????
Pag mahal mo ang isang tao nakakaya mong gawin sa kanya na di mo kayang gawing sa iba. Like a PRIDE.
Katulad ng pag gigive way.para lang maging ok ang lahat.
Yung di mo nakaka yang kwentahin yung mga nagawa mong mabuti sa kanya. Yung tutulo nalang ang luha mo kasi di mo talaga kayang magalit sa kanya.yung tipong mapapasmile ka nalang kc pagtapus nyong mgbatuhan ng masakit na salita. Ok na kaagad kayo. Tapus iiyak ka nanaman sa tuwa .nakakabaliw diba!
Yung feeling na akala mo tlgang matatapus ng yung saya nyong dalawa.matatapus na ang relation maisip mo nlang at masabi. ANG TANGA KO"
Kc promise promise pa kmi wala nmang nangyari.
Yung sitwasyon na mghihiwalay nalang mag uusap pa din and say. SMILE KA LNG LAGI HUH! INGAT KA LAGI.WAG KANG MALUNGKOT. Tpus ang ending ng usapan. I love you. Mamimiss kita.yang mga moment na yang ang nakakatang ina this!!!
Tapus mag tatapus lng sa salitang. 
AY!!! Wag na tayo pala mghiwalay kasi mahal naman kita masaya ako sayo. Yaw kong malungkot ka pati sarili ko. Wag na natin pahirapan mga sarili natin.kalimutan na natin yung mga nangyari.FORGET AND FORGIVE EACH OTHER.
Di ba po!!! Nakakabobo at nakakatanga.
Kaya wag nyong husgahan ng pangit ang aming relation kasi di man kami ngkita in person andun yung magka dugtong ang aming puso.at pareho kaming masaya.
Kaya yang lalakeng yan... Sobrang love ko yan.
Milya milya man ang layo namin naniniwala ako mgkikita din kmi.
Ang layo man ng agwat namin naniniwala akong kmi talaga

Biyernes, Abril 24, 2015

Naka relate kaba???

Matuto kang lumugar.
Matuto ka din namang dumistansya sa mga tao depende sa sitwasyon. In other words, huwag kang parang eksena sa elevator, siksikan na nga, sisingit ka pa. Yung ganung eksena ba, katulad nalang ng mga gantong sitwasyon:

Break na kayo - Eto yung karaniwang eksena na lagi nateng nakikita sa TV, sine, at kahit sa youtube at sa mga music videos. Eto yung hiwalay na kayo, things won’t work out the way it used to be before. Hindi na kayo pwede laging magkasama, hindi na kayo maaaring maging sweet at cheesy unlike nung kayo pa. Kelangang idistansya ang sarili para maka-move on din pero hindi ibig sabihin na hindi na kayo friends, kumabaga, back to normal kayo as friends nung first day kayo nagkakilala.
May party si friend - Malamang sa alamang, pag ininbita ka ng kaibigan mo sa party at pinayagan ka, eh di sasama ka. At sa party, syempre may mga tao kang makikita na hindi mo pa kilala pero kilala na nung kaibigan mo. Syempre, pag kausap sila ng friend mo na inimbita ka, syempre hindi naman pwede yung sisinigt ka sa usapan, bastos tingnan yun at nakaka-turn off.
Si friend may problema - Eto yung panahon kung saan si friend mo ay may problem na dapat i-solve, parang math lang ang peg. Tapos syempre ikaw tong si worried friend, fly to the rescue para tulungan si friend, pero syempre dapat ilugar mo din yung sarili mo sa panghihimasok sa problema ng kaibigan mo lalo na kung family problem yan o tungkol sa financial problem ng pamilya.
May recitation - Eto yung oras kung saan makikita mo kung sino ang matalino at kung sino ang hindi at kung sino ang naasa sa kaklase. Yung tipong taas ka ng taas ng kamay, pero sana pagbigyan mo din yung iba di ba para hindi unfair.
Pagsagot sa magulang - Yung tipo na sa sobrang inis mo sa pane-nermon ng magulang mo eh pikang pika ka na, kaya wala kang magawa kundi ang sagutin ang magulang mo. Pero tandaan, anak ka lang, kaya huwag mong gagawing habit eto kundi bugbog sarado ka sa magulang mo.
Pakikitungo sa magulang - Ayun na nga eh, anak ka lang, kaya huwag mong ituturin na parang kaibigan mo lang ang mga magulang mo, okay lang bibirubiruin mo sila, pero matuto kang lumugar at sa pagsasabi ng mga salita na maaaring ika-galit nila. Kahit na sabihin mong nagbibiro ka lang, magulang mo yan eh, iisipin nila na wala kang respeto sa kanila.
Magkasama si friend at best friend nya - Syempre, magkasama ang iyong friend at ang kanyang best friend, pinag uusapan nila yung mga bagay na sadyang di ka makaka-relate, kaya naman eh tahimik ka muna, hindi yung sasabat ka sa usapan nila, mali yun.
Forever alone ang setting mo - Eto yung awkward times, na yun bang kasama mo kaibigan mo na kasama ang syota nya, tapos ikaw ay forever alone lang sa sulok, syempre matuto ka din lumugar ng hindi magselos sayo ang iyong friend, sige ka baka masira ang friendship nyo.
May pinalit na sayo si ex - Last but not the least, yung feeling na naka move on ka na, move on na sya, at syempre may bago na syang jowa, tapos nagkita kayo, aba syempre kung naka-move on ka na hindi ka na pwede magseselos at hindi ka na pwede didikit dikit sa iyong ex. Kasi nga may bago na syang ipinalit sayo at kung di mo pa tanggap, tanggapin mo kase di ka na mahal ni ex, tao ka at hindi aso para maghabol pa kase wala ka din mapapala, hanap ka nalang ng iba pag may time.
At marami pang ibang sitwasyon ng buhay na dapat lagi mong ilulugar ang sarili mo para di ka natititigan at napupuna. Alam mo naman sa sarili mo yun eh, kung dapat kang umarya o umupo na lang sa sulok. Isip ka din pag may time kung ano pa ang papel mo sa isang sitwasyon at matutong ilugar ang sarili mo sa tamang kalalagyan neto.