Miyerkules, Disyembre 3, 2014

NEVER GIVE UP

Sa isang relasyon hindi naman maiiwasan yung mga bagay na paulit ulit nangyayari. Sa una naman talaga masaya yan, akala mo yung saya nun forever na. Pero mali, hindi pala. Pag nagtagal na kayo, pag nakilala niyo na yung isa’t isa nawawala yung spark, darating ang point na pag nginitian o kinindatan ka niya may times na di ka na kikiligin or wala ng impact sa’yo.

Darating sa point na minsan mararamdaman mo na nagsasawa ka na sa paulit ulit na routine ng relasyon niyo. Pero ang pinaka-masakit dun is yung minsan akala mo ang solusyon nalang para matapos yung problema is yung isuko mo yung relasyon niyo. Yun nga ba ang tama?

Isipin mo maigi, lahat ng masasaya niyong alaala, yung away niyo tapos yung sweetness niyo after ng away, yung pag hahabulin ka niya pag mag wwalk out ka, yung yayakapin ka niya pag umiiyak ka, yung mga times na may problema ka at wala kang matakbuhan, siya yung nandyan sa taboi mo at hawak yung kamay mo tapos sinasabing “kaya mo yan, kaya natin yan.”

Sa tingin mo, worth it ba na isuko lahat?

Minsan akala lang natin, pagsuko nalang yung natitirang option para wag tuluyang masira yung relasyon, pero mali. Kahit gaano kahirap, kagulo at kakumplikado ang relasyon niyo sa ngayon, hindi hiwalay ang solusyon dyan, kung pagod ka na, pwede ka naman magpahinga e, basta wag kang susuko.

Kung iniisip mo yang pagsuko sa mga oras na to, alalahanin mo lahat ng magagandang alala. Yan ang silbi ng good and happy memories sakanila tayo kakapit pag pakiramdam natin bibitaw na tayo.

Minahal natin sila choice natin yun walang namilit. Sana kung alam mong worth saving pa yung relasyon wag mo basta isuko. No matter how hard things may get in your relationship, never think of giving up.

Martes, Nobyembre 25, 2014

GAANO NGA BA KAHIRAP ANG BUHAY?

MINSAN ANG BUHAY AKALA NATIN NAPAKADALI LANG ITO.
AKALA NATIN MAGAAN LANG YUNG TIPONG HAPPY GO LUCKY LANG TAYO.
YUNG SITTING PRETTY LANG ANG DATINGAN.
NOONG BATA AKO AKALA KO GANUN LANG TALAGA KADALI ANG LAHAT.
ANG MAGKAROON NG KARELASYON
ANG MAGMAHAL..ANG MAGKAPAMILYA..ANG MAG KAANAK ..ANG MAGKA ASAWA ANG BUMUO NG PAMILYA.ANG MAGHANAP NG TRABAHO PARA MAGKAPERA.
LAHAT YATA YAN NARANASAN KO AT NAPAGDAANAN KO.OMG NAPAKWENTO NANAMAN AKO SA AKING BLOG.
PAGBIGYAN NA HIRAP MG WALANG KAUSAP.
SA BAWAT BYAHE NG AKING BUHAY.. AYAW KONG MAG STOP.GO LANG NG GO.
NAGING AGRISEBO AKO SA MGA GUSTO KO SA BUHAY.
KUMBAGA BAHALA NA SI BATMAN.
SA PAGMAMAHAL AT PAGPILI NG LALAKE AKALA MO MAUUBUSAN AKO NG ORAS GO LANG NG GO.BASTA ANG ALAM KO MAHAL AKO NG LALAKE.
PERO SA PAGMAMADALI KO NA YON.. NADAPA AKO.
AYON NAGKAANAK.. NAGHIWALAY.MARAMING BAGAY SNG DI KAMI MAGKATULAD DAHIL PROBINSYANA AKO AT SIYA MANILINYO.HANGGANG SA PUMASOK SA UTAK KO NA MAKISABAY SA BUHAY NG SYUDAD FROM PROBINSYANA.SA AWA NG DIOS MADALI AKONG NAKAPAG ADJUST SA BUHAY NG SYUDAD.PARANG PARAISO LANG. KUMPLETO REKADO.ANG DATING TAHIMIK KONG MUNDO NA TANGING HUNI LANG NG IBON ANG AKING NARIRINIG.AT TANGING ALITAPTAP LANG ANG ILAW SA MALAYO.BIGLANG NAGING MAINGAY ANG MUNDO KO NG MASALTA AKO NG MANILA.AT ANG ALITAPTAP NA DATI NAKIKITA KO SA BUKID AY NAGING PARANG DISCO LIGHT NA SA DAMI NG ILAW AT SOBRANG LIWANAG.
NAGING MASAYA AKO... KABALIKAT NG PAGPASAN NG PROBLEMA KO SA AKING BALIKAT.
HANGGANG NANGARAP AKONG MAG ABROAD AT TAKASAN ANG LAHAT NG PROBLEMA.SAKIT AT MGA NARANASAN KO NA SIYANG NAGDUDULOT NG AKING PAGKAHUMALING SA ALAK.PERO HULI NG NALAMAN KONG MAY TAMA NA PALA ANG LIVER KO DAHIL SA ALCOHOL NA ARAW ARAW KONG INIINUM.NA AKALA MOY TUBIG NALANG.
BAKIT NGA BA AKO NALULUNG SA ALAK.BAKIT NGA BA AKGO MAGSAKRIPISYO NGAYON. WALA AKONG BALAK KUMUHA NG MALUBHANG SAKIT MAHIRAL LANG AKO.WALA AKONG PERA.WALA AKONG PANG GAMOT.WALA DIN AKONG AASAHANG PERA SA MAGULANG KO DAHIL MULA PAA PAPUBTANG ULO ANG PRIDE KO PAGDATING SA PERA DAHIL BATA PALANG AKO AT NAG AARAL KAHIT BAON PARANG AYAW PA AKONG BIGYAN.
NAKAKALUMO.KAYA WALA AKONG CHOICE PARA LISANIN ANG PINAS AT MAGHANAP NG TRABAHONG MAS MALAKI ANG KINIKITA PARA MAS MATUSTUSAN ANG PANGANGAILANGAN NG AKING SARILI.
SA PAGLALAKBAY KO.LAGING BALIKTANAW AKO SA NAKARAAN.
WHY IM.HERE?
BAKIT AKO PA?
SANA DI NALANG AKO?
MANHID NABA AKO SA LAHAT?
MARAMI MANG KATANUNGAN..
ALAM KONG AKO LANG DIN ANG MAKAKASAGOT.
PERO SA AKING PAGLALAKBAY SANA MATISOD KO ANG MGA SAGOT SA MGA KATANUNGAN KO.

ANTOK NA AKO😁😁😁😁😁
MAYBE CONTINUES KO SIYA
PAG MAY TIME ULIT
#LESSON_LEARN

MAG ISIP BAGO GAWIN
PARA WALANG PAGSISI
NA MARAMDAMAN SA BANDANG HULI

Martes, Nobyembre 4, 2014

ANG DAKILANG AMA AT PASAWAY NA MGA ANAK.

Karaniwan nang  ang mga  OFW ay nagtitiis ng ilang taon sa ibang bansa para mapag aral  ang mga anak. Nagtitipid at tinitiis ang pangulila matustusan lang ang mga gastusin sa eskwelahan. Subalit ilan ba sa kanila ang nagtagumpay na mapagtapos sila. Si Manong OFW ay isa sa nakikipagsapalan sa Gitnang Silangan na  mahigit 20 taon ng malayo sa pamilya mapagtapos lamang ang 3 anak.

Narito ang isang kabanata sa buhay ni Manong OFW base sa isang salaysay na talaga namang nakakaantig ng puso.

             Madalas  kong  inaabutan si Manong OFW na sa tingin ko ay mahigit 50 anyos na kumakain sa kusina, shifting kasi siya kaya either papasok or  kakagaling pa lang sa trabaho. "Hi kuya, musta po?"ang bati ko. Napansin ko na ang ulam nya ay pritong tuyo at kamatis, minsan naman tuna or itlog, halatang super tipid. "Hello ma'm eto, ok lang, kain po tayo ma'm." masayang sagot ni Manong OFW. Takam mode pero di ako nagpahalata "sige lang kuya akyat muna ako sa taas sandali." muli kong sagot habang paakyat sa taas ng bahay paupahan na kung saan ay isa si Manong OFW sa matagal ng nangungupahan ay sumagi sa isip  ko na madalas siyang nadedelay sa upa dahil exam ng anak at may mga bayarin sa eskwela. Mabait si Manong kaya pinapayagan na lang ng landlady dahil alam na nga ang sitwasyon nya at isa pa nga ay di naman kalakihan ang sweldo nya na halos ipinapadala lahat sa pamilya. Maya maya ay bumaba ulit ako, "kuya wala yatang tao sa taas? hintayin ko lang po sila sandali” ang sabi ko kay kuya na patuloy pa rin sa pagkain. “” 

 kuya, kayo musta na trabaho nyo at pamilya sa Pinas?” “Ok lang din, kahit mahirap ay tinitiis”, patuloy na sagot ni Manong OFW. Konting tiis pa kuya, makakaraos ka din pagkagraduate ng Nursing mo! Nahihiya man ay muling sumagot si Manong OFW “Di ko na inaasahan yun ma’m, eh yung anak kong 3rd yr sa Nursing nag-asawa na di na tinapos ang pag-aaral.” Nagulat ako subalit di nagpahalata,pareho kaming natahimik  at doon ko nakita ang lungkot sa kanyang mga mata. Bigla ko tuloy naalala ang anak nya na ka FB ko kung saan nakikita ko ang mga gimik at lakwatsa kasama ng barkada sa pictures at ngayon nga nalaman ko na lang na nabuntis  pala at nag asawa na.

Nung mabasa ko itong kwento tungkol ke Manong OFW ay hindi naiwasang maawa ako at makaramdam ng inis sa mga anak nya. Karaniwan na nating naririnig na di bale ng walang ipon o investment basta mapagtapos lang ang mga anak pero sa kwento ni Manong OFW hindi lang nawala lahat ang pinaghirapan nya kundi pati na rin ang pag asa nya. Pero sino nga ba ang makakapagsabi ng future? Sino rin kaya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa anak ni Manong OFW? Siguro nga swertihan lang ang magkaroon ng matinong mga anak ? Ano nga ba ang tamang pagpapalaki? Ang daming katanungan pero mukhang mahirap sagutin. Pero isa lang ang masasabi ko, sana wala na lang mga pasaway na anak.

DIFFERENT STORIES


Naisip ko lang, sa dinami-dami ng tao dito sa mundo. Iisa lang naman ang hinahangad nilang maramdaman: Ang magmahal at mahalin. Iba’t-ibang sitwasyon, iba’t-iba kung papano magmahal. May mga taong nagpapaka-tanga, may mga taong naghihintay na lang. May mga taong umaasa, may mga taong naglalaro lang. Iba’t-ibang storya. Tulad na lang ng… Mahal mo siya, pero magkaibigan kayo. Mahal niyo ang isa’t-isa, hadlang ang mga magulang niyo sa relasyon niyo. Nagmahal ka ng mayaman; nagmahal ka ng mahirap. Minahal mo ‘yung taong may taning ang buhay. Minamahal mo ‘yung taong may kapansanan. Minahal mo ‘yung taong nakilala mo lang sa Facebook. Minamahal mo ‘yung taong malayo sa’yo. Naiipit ka masyado dahil hindi mo alam kung sino sa dalawa ang karapat-dapat sa puso mo. Rebound ka lang niya. Panakip-butas ka lang. Ginagamit ka lang niya para ipagselos ka sa ex niya. Mahal mo siya, hindi ka niya mahal; may nagmamahal sa’yo, hindi mo naman mahal. And so on… Iba-ibang sitwasyon ang ikakaharap natin sa tuwing tayo’t magmamahal. Maraming nagtatagumpay, maraming sumasaya, ngunit maraming ring taong umiiyak dahil sa kasawian. Ikaw, anong storya ng buhay pag-ibig mo? Hindi man maging tulad ng nasa palabas, pelikula o mga nababasa mo ang magiging love story mo, pero isa lang ang ikasisigurado ko: Kung alam mo kung papano magmahal, kung paano mo ito iparamdam sa isang tao at kung handa kang masaktan once na nagmahal ka, masaktan ka man, magiging matatag ka pa rin at magiging handa para sa susunod na taong makikilala mo. ‘Yung mga sitwasyon na ‘yan? Nagsasabi lang na baka hindi inilaan para sa’yo ang taong ‘yun. Dahil kung sa’yo talaga siya, hindi mo mararanasang mahirapan sa piling niya. Magmahal ka ng tama, mahalin mo ‘yung taong nagmamahal sa’yo, kahit hindi totoo ang fairy tales, dapat maranasan mo ring magka-happy ending.

Ang pader bow.


    Matibay na pundasyon. Simbolo ng isang samahan na binubuo ng matagal na pagsasama, puhunan ang hirap at saya, dinaanan ng maraming pagsubok, pinagtibay ng tiwala, indi agad nabubuwal, indi magigiba. Pader.

    Indi nabubuo ang pader ng isang tao. Maaaring dalawa, lima, sampu – - pero iisa ang hangarin. Iisa ang direksyon. At walang anuman o sinuman ang pwedeng makasira nito.

    Pero gaya ng ibang bagay at pangyayari, nagiging biktima rin ito. Rumurupok. Sinusubukan ng kalikasan. Sinusubok ang tatag. Tinitingnan kung hanggang saan ang makakaya. Inaalam kung sapat na ba ang tagal, tibay at pinagdaanan. Kinukwestyon ng sitwasyon. Nilalamatan. Inuuga.

    Hanggang kailan kaya ito makakatayo sa pagitan ng mga pagsubok? Kaya mo bang protektahan ito sa abot ng makakaya o tuluyan mo nang hahayaan at papanoorin na unti-unti itong mabuwal?

    Walang sinuman ang nakakaalam kung hanggang kailan. Pero kung iaasa mo ito sa paniniwala lang at pag-asa na indi ito mabubuwal – - kulang pa rin.

    Indi sapat na maniwala at umasa.

    Indi rin tama na iasa mo ito sa ibang kasama na siyang sumusuporta dito. Dahil indi mo alam kung hanggang kailan niya kayang kayanin ang bigat na sana’y lahat kayo ang papasan.

    Indi titigil ang mundo sa pag-ikot kahit na piliin mo pang magpahinga na muna sa pag-alalay dito at sumabay na lang matapos na maisipan mo.

    Lahat ng bagay na nangyayari sa buhay natin, may koneksyon sa bukas at sa isa pang bukas. Indi ito dumadating dahil sa sariling intensyon. May rason, may eksplanasyon. Indi ito coincidence o aksidente. Lahat nakasulat. Lahat nakatakdang mangyari. Indi man ngayon, indi natin alam.

    Lahat ng magandang bagay, kahit gaano pa natin gustuhin na indi mawala at itago pa sa pinakasagradong lugar – - kung mawawala ito, mawawala talaga. Indi dahil gustu lang Niya na alisin ito sa buhay natin, kundi dahil merong mas magandang bagay na naghihintay sa atin.

    Kung gagawin nating literal na aasang indi mabubuwal ang pader na binuo natin at inalagaan ng matagal na panahon, sapat na ba ang maniwala dito?

    Sa kabila ng napakahabang panahon at kabi-kabilang pagsubok, ngayon mo pa ba kukwestiyunin ang sarili?

    Ang pagpapatunay na indi ito basta-basta masisira. Di dahil ayaw mo o natatakot ka. Kundi dahil tinuring mo na itong mahalagang parte ng buhay o maaaring buhay mo na kasamang mamamatay sa oras na mabuwal ito.

    Ang mapatunayan na walang sinuman ang pwedeng maging dahilan ng pagbagsak nito. Dahil ito ang paninindigan mo. Di kailanman kayang tumbasan ng kahit ano’ng halaga sa mundo.

    Dahil ito ang buhay mo.



    BUHAY pag IBIG

    Hindi lahat ng tao nagbibigay ng second chance. Meron rin namang taong nagbibigay nito, pero ang tanging alam ko: Tanga na masyado ang isang tao kapag nagbigay siya ng third or fourth chance sa taong paulit-ulit lang na humihingi nito at paulit-ulit rin ang ginagawa niya para sirain ang relasyong meron kayo. Kung may gusto kayong bagay na dapat ma-itama, mapakitang totoong nagsisisi ka na, patunayan mo. Patunayan mong deserve mong mabigyan ng isa pang pagkakataon. Hindi ‘yung kapag binigyan ka niya, parang wala rin. Sasayangin mo lang. Ipakita mo na hindi siya magsisi sa second chance na ibinigay niya sa’yo. May second chance tayo para gawin mo na ang lahat ng tama, mga bagay namakapagpapasaya sa kanya. Sasayangin mo pa ba ‘yun? ‘Wag na ‘wag ng gagawin ‘yung mga pagkakamali na nakasakit sa kanya. Naapektuhan dito ‘yung tiwala niya sa’yo, minsan nga hindi na 100% ‘yang trust na ‘yan dahil nga sa second chance na lang ‘yan. Kaya mag-ingat-ingat ka rin kung masaktan mo nanaman siya, konting pagkakamali mo lang, masisira ulit ‘yung dati niyong pinagsamahan. Dahil sa totoo lang, mahal ka niya at gusto niya pang magpatuloy ang relasyon niyo, kaya ka binigyan ka ng isa pang pagkakataon, kaya kung ako sa’yo, ‘wag mo ‘tong sisirain. Some people believes in second chances, ‘yung nga lang, hindi lahat ng taong deserve nito. Kaya kung hinayaan mo lang at hindi ka pa rin nagbago, habang buhay mo ‘yun pagsisihan na sana noong meron kang pagkakataon, dun mo nagawa ang mga bagay na dapat nuon mo nagawa… Napapagod rin ang tao, nagsasawa rin. Bihira na lang sa buhay ang makatanggap ka pa ng third chance o fourth.

    Huwebes, Hulyo 17, 2014

    guro at magulang

    Saan nga ba tayo unang natuto.
    sa bahay o sa eskwelahan.
    sino nga ba ang unang magtuturo sa atin..magulang o guro.
    sabi ng karamihan itoy balanse lamang.
    but wrong..dahil mas marami akong natutunan
    sa loob ng bahay kysa eskwelahan.

    base sa aking karanasan.
    ENGLISH
    natutunan ko ang mga acces o tamang pagpopronounce sa mga
    salita ng mga banyaga.
    HEKASI.kong saan history ng ating mundo ng ating bansa
    na nagkaroon ako ng interest para magtravel.
    yan ang natutunan ko sa school.

    MATH sa bahay ko natutunan yan palibhasa may
    grocery store kami.at kahit sa school pinagtitinda ako
    ng parent ko.
    SCIENCE nasa bahay pa rin ang ibat ibang expirement.
    palibhasa strict si mama.. magbibigay ng instraction
    bahala kanang gumawa.
    GMRC sa bahay din yan ng sisimula. at hindi sa
    pangaral ng iba.parent ang pangunahing magtuturo sa anak
    bago ang guro.o kong sino pa man.

    NAKARANAS kana ba na lumubas sa pintuan ng iyong bahay?
     at naranasan mo na bang marinig sa magulang mo ang salitang.
    LUMABAS KA SA PINTUAN..AT HUWAG KANG BUMALIK
    NG WALANG NAPATUNAYAN.
    medyo hindi maganda sa isang magulang ang sabihin
    yan sa isang anak.pero.. salitang magpapatibay sa sarili mo habang
    nilisan mo ang mga taong naging dahilan
    kong bakit nasa mundo ka.

    NAPAISIP LANG AKO.
    anung merun sa salitang iyan.???