Martes, Nobyembre 4, 2014

ANG DAKILANG AMA AT PASAWAY NA MGA ANAK.

Karaniwan nang  ang mga  OFW ay nagtitiis ng ilang taon sa ibang bansa para mapag aral  ang mga anak. Nagtitipid at tinitiis ang pangulila matustusan lang ang mga gastusin sa eskwelahan. Subalit ilan ba sa kanila ang nagtagumpay na mapagtapos sila. Si Manong OFW ay isa sa nakikipagsapalan sa Gitnang Silangan na  mahigit 20 taon ng malayo sa pamilya mapagtapos lamang ang 3 anak.

Narito ang isang kabanata sa buhay ni Manong OFW base sa isang salaysay na talaga namang nakakaantig ng puso.

             Madalas  kong  inaabutan si Manong OFW na sa tingin ko ay mahigit 50 anyos na kumakain sa kusina, shifting kasi siya kaya either papasok or  kakagaling pa lang sa trabaho. "Hi kuya, musta po?"ang bati ko. Napansin ko na ang ulam nya ay pritong tuyo at kamatis, minsan naman tuna or itlog, halatang super tipid. "Hello ma'm eto, ok lang, kain po tayo ma'm." masayang sagot ni Manong OFW. Takam mode pero di ako nagpahalata "sige lang kuya akyat muna ako sa taas sandali." muli kong sagot habang paakyat sa taas ng bahay paupahan na kung saan ay isa si Manong OFW sa matagal ng nangungupahan ay sumagi sa isip  ko na madalas siyang nadedelay sa upa dahil exam ng anak at may mga bayarin sa eskwela. Mabait si Manong kaya pinapayagan na lang ng landlady dahil alam na nga ang sitwasyon nya at isa pa nga ay di naman kalakihan ang sweldo nya na halos ipinapadala lahat sa pamilya. Maya maya ay bumaba ulit ako, "kuya wala yatang tao sa taas? hintayin ko lang po sila sandali” ang sabi ko kay kuya na patuloy pa rin sa pagkain. “” 

 kuya, kayo musta na trabaho nyo at pamilya sa Pinas?” “Ok lang din, kahit mahirap ay tinitiis”, patuloy na sagot ni Manong OFW. Konting tiis pa kuya, makakaraos ka din pagkagraduate ng Nursing mo! Nahihiya man ay muling sumagot si Manong OFW “Di ko na inaasahan yun ma’m, eh yung anak kong 3rd yr sa Nursing nag-asawa na di na tinapos ang pag-aaral.” Nagulat ako subalit di nagpahalata,pareho kaming natahimik  at doon ko nakita ang lungkot sa kanyang mga mata. Bigla ko tuloy naalala ang anak nya na ka FB ko kung saan nakikita ko ang mga gimik at lakwatsa kasama ng barkada sa pictures at ngayon nga nalaman ko na lang na nabuntis  pala at nag asawa na.

Nung mabasa ko itong kwento tungkol ke Manong OFW ay hindi naiwasang maawa ako at makaramdam ng inis sa mga anak nya. Karaniwan na nating naririnig na di bale ng walang ipon o investment basta mapagtapos lang ang mga anak pero sa kwento ni Manong OFW hindi lang nawala lahat ang pinaghirapan nya kundi pati na rin ang pag asa nya. Pero sino nga ba ang makakapagsabi ng future? Sino rin kaya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa anak ni Manong OFW? Siguro nga swertihan lang ang magkaroon ng matinong mga anak ? Ano nga ba ang tamang pagpapalaki? Ang daming katanungan pero mukhang mahirap sagutin. Pero isa lang ang masasabi ko, sana wala na lang mga pasaway na anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento