Sa totoo lang, kaya ako natagalan sa paggawang blog na ito, ay dahil hindi ko talaga alam kung anong teorya ang bibigyan ko ng analisasyon o ng kritiko at naniniwala akong wala akong karapatang magbigyan ng anumang komento hinggil sa mapipili kong teorya. Hindi dahil sa kami ay obligadong gumawa nito kaya ako nagsusulat ngayon, kundi may ideyang biglang pumasok sa isip ko na nais ko ding ibahagi sainyo.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Nakilala kita sa simpleng Hi at Hello langNa nauwi sa hindi inaaasahang pagkaka-ibigan.Araw-araw nagkakasama hanggang sa mag-uwian,Hindi natin namalayan na lumalim na ang samahan.
Kasama mo sa lahat ng kalokohan,Tawanan, iyakan sampalan at kurutan.Wala na yatang ibang mapapagsabihan,Ng mga sikretong sayo lang ipinagkatiwalang ilaan.
Di nagtagal lumalim ang koneksyon,
Mula sa pagkakaibigan, nabuoang mas malalim na relasyon
Ipinakilala sa magulang, tiyahin at tiyoBuong tiwalang binabanggit ang pangalan mo.
Sa tuwina ay nariyan ka, magkasama nating tinatapos ang umaga.Sa bawat problema ay karamay ka, kinakaharap natin ito ng magkasama.Wala na yatang mas hihigit pa sa ligayang nararamdaman,Alam kong alam mong isa ka sa mga taong aking pinaka-iingatan.
Nagdaan ang mga taon, buwan, araw at minuto,Tila tayo’y nagkakasawaan, araw-araw nalang ganito.Tamis ng pagmamahalan, unti-unting naglaho,Di natin napansing nasisira na pati ang mga pangako.
Hanggang sa tayo’y nagdesisyon, na tapusin ang binubuong pundasyonMahirap man para sa mga puso, kayang labanan ng mga isip natin ito.Wala mang sinisisi sa mga kaganapang nakapandurugo,Naniniwalang babalik ka, kung sa isa’t-isa ay nakalaan ang puso.
Patawad kung nasaktan ko ang damdamin mo,Hindi lang naman ikaw, nasaktan din ang aking puso.Salamat sa relasyon at tiwalang nabuo,Mga ala-ala at karanasang hindi kailanman maglalaho.
Huwag natin sayangin mga buwan at taong binilang natin.Kahit na alam kong hindi ito madaling kamtin.Oras, araw, matagal na panahon ang aabutin,Ibalik ang samahan, ang natitirang pagkakaibigan natin.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ginawa ko ang tulang ito upang bigyang kahulugan ang Social Penetration Theory. Isang teoryang pang-komunikasyon na nararanasan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Ang lahat ng relasyon ay dumaan sa ganitong mga antas. Na mula sa pagkakaibigan ay lumalalim ang samahan, hanggang sa mararamdaman ng isa’t-isa na naranasan na nila ang pinakamasayang emosyon na maari nilang maramdaman. Dito ay unti-unting mabubuo ang pagkakasawaan hanggang sa darating ang punto ng hiwalayan. Isinasaad din sa teoryang ito na ang anumang relasyon ay nakakaranas ng “Depenetration” kung saan narating na ng nasa isang relasyon ang pinakadulong parte ng kanilang pagsasama. Dulo dahil ang pakiramdam nila ay naranasan na nila ang lahat. Kinakailangan ng maghiwalay, upang hindi patuloy na saktan ang damdamin ng bawat isa.Walang malinaw na dahilan, at wala na ding ibang paraan kundi tapusin ang samahan at relasyong iningatan.
Hindi ako lubos na sumasang-ayon sa teoryang aking napili. Kahit na ako mismo ay biktima din ng ligaya at sakit nadulot ng pag-ibig. Totoo ngang bawat relasyon ay dumaan sa iba’t-ibang antas at lumalalim habang tumatagal. Totoo din na ang relasyon ay dumarating sa puntong nagkakasawaan na at pumpasok na ang ideyang hiwalayan. Ngunit para sa akin, hindi totoong hiwalayan ang solusyon sa problemang pinagdaraanan ng nasa isang relasyon .Base sa aking naranasan, napagtanto ko na ang paghihiwalayan ay isang desisyon ng parehong partido. Desisyong kung saan dapat ay makailang ulit mo itong pag-iisipan, hindi lang dahil sa naramdaman mong pagod kana o nasasaktan ka na. Hindi ko din sinasabi na magpaka-martir ang sinuman pagdating dito, ngunit kung talagang ganap ng nadebelop ang konsepto mo tungkol sa pag-ibig, ay hindi ka basta-bastang susuko at bibitiw nalamang sa relasyon.
Anumang problema ay nadaraan sa maayos na pag-uusap. Kung nagkaroon ng matinding alitan ay pahupain muna ang mga nararamdaman.Huwag magdesisyon ng pang-matagalan sa emosyong panandalian. Maaring palipasin ang ilang mga araw upang bigyang laya ang sarili at magkaroon ng oras upang pagnilayan ang mga kaganapan. Kung ikaw ang may kasalanan, huwag mag-atubiling manghingi ng kapatawaran. Huwag ng magmatigas, hindi ka dadalhin kung saanman niyan. Kung siya ang may kasalanan, subukang intindihin ang kanyang pinaghuhugutan. Maaring hindi mo man ito maunawaan, ngunit kung totoong mahal mo ang isang tao ay matatanggap mo ito ano’t-anuman ang dahilan.
Kung sobrang matindi ang pinag-awayan, maari ding humingi ng espasyo sa bawat isa. Maaring magtagal ng ilang linggo, basta siguraduhing sa pagbalik mo ay buo na ang iyong desisyon. Isa ding alternatibong paraan ang magsimula ulit kayong dalawa. Kung talagang seryoso sa paghingi ng kapatawaran, makakayana ng magsimula ulit sa ligawan. Simulang buuhin ang nasirang pundasyon, kung talagang pinahahalagahan niyo ang inyong relasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento